Huwebes, Nobyembre 10, 2016

Si Binibining Phathupats ni Juan Crisostomo Soto

BUOD

      Si binibining Yeyeng ay isang Kapampangan.Dahil mahirap lamang, pagtitinda ang kanilang ikinabubuhay. Puno ng kolorete ang kanyang mukha  kapag siya ay nagtitinda sa mga pasugalan. Ng dumating ang pamahalaang militar ng Amerika nagkaroon siya ng mga  gurong kawal na suki.Napilitan siyang mag aral ng wikang Ingles upang silaý magkaintindihan.Pagkaraan ng ilang araw nagsasalita na ng Ingles si binibining Yeyeng at sa paglipas ng buwan ay pinagturo na siya sa isang bayan sa amuki ng isang gurong kawal na Amerikano.Humanga sa kanya ang mga taong bayan.Sa paglipas ng panahon, hindi na siya nagsasalita ng kapampangan dahil nakalimutan na raw niya ito at kailan may hindi na siya makapagsalita ng tuwid at nauutal siya.Narinig ng mga nakakakilala sa kanya ang kanyang winika,pinalitan ng mga ito ang kanyang pangalan na Miss Phathupats na hango sa kanyang malapad na balakang na pilit na iniipit ng pahang mahigpit ang balot.
        Sa isang pista  sa bayan na dinaluhan ni binibining  Phathupats,  may nakita siyang nagbabasa ng pahayagang at nadismaya ng makitang kapampangan ito.Sinabi niyang"hindi ko naiintindihan ang wikang kapampangan at nahihirapan ako na bigkasin ito."Nagkahalo-halo ang ibat ibang wika sa kanyang binigkas .Napatawa ng malakas ang nakarinig dito.Nagalit si Binibining Phatuphats , ngunit lalo lamang siyang inasar ng mga ito.Sa galit niya,ang lahat ng maruruming salita na kapampangan ay kanyang nasambit.Nalaman ng lahat na siya ay isang kapampangan.Napahagalpak ng tawa ang mga nanonood.Napaiyak si Bb. Phatupats at ng siya ay lumuha,lumitaw ang tunay niyang kulay."Maitim pala siya,Amerikanong Negra" ang sabit ng isa.Tuluyan ng umalis na nagkandarapa si Bb. Phathupats.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento