Huwebes, Nobyembre 10, 2016
Repleksyong Papel
Sa kwentong si "Bb. Phatuphats" ni Juan Crisostomo Soto ay tungkol sa dalagitang kinalimutan ang kanyang sariling wika.Mamumulat ka sa mga bagay na nangyayari sa iyong paligid. Ang kwentong ito na malalarawan ang buhay.Ang buhay na ikinubli sa ibang katauhan.Pinipilit kalimutan ang pinagmulan.
May mga kakilala ako na katulad ni Bb. Phathupats. Hindi nga lamang katulad na paglimot ng sariling wika kundi tungkol sa estado ng kanilang buhay.Ang dating mahirap na buhay ngayon ay mayaman na.May mga pagkakataon na pinagyayabang nila ang kanilang yaman at tinatanggi ang dating pamumuhay.Sila ay matatawag na Miss Phathupats.
Kung mararanasan ko mang maging mayaman at maging bihasa sa ibat ibang wika,hindi ko pa rin kakalimutan ang aking pinagmulan kung ano ako at sino ako. Masarap mamuhay ng walang nagagalit at naiinggit sayo dahil alam mo sa sarili mo na wala kang itinatago. May kasabihan tayo na "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan." Na kung isasapuso natin ay maiintindihan mo na kung ano tayo ngayon ay dahil ng kung anong meron sa nakaraan. Kaya sa mga Bb. Phathupats sa panahon ngayon ay may paraan pa para mag bago.
Si Binibining Phathupats ni Juan Crisostomo Soto
BUOD
Si binibining Yeyeng ay isang Kapampangan.Dahil mahirap lamang, pagtitinda ang kanilang ikinabubuhay. Puno ng kolorete ang kanyang mukha kapag siya ay nagtitinda sa mga pasugalan. Ng dumating ang pamahalaang militar ng Amerika nagkaroon siya ng mga gurong kawal na suki.Napilitan siyang mag aral ng wikang Ingles upang silaý magkaintindihan.Pagkaraan ng ilang araw nagsasalita na ng Ingles si binibining Yeyeng at sa paglipas ng buwan ay pinagturo na siya sa isang bayan sa amuki ng isang gurong kawal na Amerikano.Humanga sa kanya ang mga taong bayan.Sa paglipas ng panahon, hindi na siya nagsasalita ng kapampangan dahil nakalimutan na raw niya ito at kailan may hindi na siya makapagsalita ng tuwid at nauutal siya.Narinig ng mga nakakakilala sa kanya ang kanyang winika,pinalitan ng mga ito ang kanyang pangalan na Miss Phathupats na hango sa kanyang malapad na balakang na pilit na iniipit ng pahang mahigpit ang balot.
Sa isang pista sa bayan na dinaluhan ni binibining Phathupats, may nakita siyang nagbabasa ng pahayagang at nadismaya ng makitang kapampangan ito.Sinabi niyang"hindi ko naiintindihan ang wikang kapampangan at nahihirapan ako na bigkasin ito."Nagkahalo-halo ang ibat ibang wika sa kanyang binigkas .Napatawa ng malakas ang nakarinig dito.Nagalit si Binibining Phatuphats , ngunit lalo lamang siyang inasar ng mga ito.Sa galit niya,ang lahat ng maruruming salita na kapampangan ay kanyang nasambit.Nalaman ng lahat na siya ay isang kapampangan.Napahagalpak ng tawa ang mga nanonood.Napaiyak si Bb. Phatupats at ng siya ay lumuha,lumitaw ang tunay niyang kulay."Maitim pala siya,Amerikanong Negra" ang sabit ng isa.Tuluyan ng umalis na nagkandarapa si Bb. Phathupats.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)